1.3 [APP] PAANO MAGREHISTRO SA BRASTEL REMIT APP (GAMIT ANG ZAIRYU CARD SA NFC-ENABLED DEVICE)
2 min. readlast update: 04.12.2024
1. Buksan ang Brastel Remit app at pindutin ang GUMAWA NG ACCOUNT
2. I-check ang checkboxes bilang pagsang-ayon sa Terms and Conditions at pindutin ang NEXT
3. I-enter ng dalawang beses ang inyong email address at password at pindutin ang Confirm
IMPORTANT: TANDAAN ANG INYONG PASSWORD
4. I-enter ang “verification code” na ipinadala sa inyong email
5. Sa “Ang inyong email ay naberipika na“ screen, pindutin ang NEXT
6. Piliin ang Non-Japanese bilang inyong nationality
7. Basahin ang impormasyon at pindutin ang NEXT
8. I-enter ang inyong Zairyu Card number at pindutin ang NEXT
9. Pindutin ang START at basahin ang instruction para sa pag-scan ng NFC chip ng inyong Zairyu Card
NFC reader: Para mabasa ng NFC reader ang ID, KAILANGANG itapat ang ID sa NFC reader ng device hanggang sa ito ay mabasa (maaaring magtagal ng ilang minuto ).※Kailangan hawakan ang ID sa inyong palad sa halip na ilagay ito sa mesa.
10. Pindutin ang NEXT
11. Basahin ang impormasyon at pindutin ang NEXT
12. Basahin ang instructions at pindutin ang KUHANAN NG LITRATO para kuhanan ang likurang bahagi ng inyong Zairyu Card
12.1. Ihanay ang likod ng inyong Zairyu Card sa loob ng frame
13. Tiyakin na ang litrato ay malinaw, walang liwanag ng flash, hindi putol at pindutin ang NEXT. Para muling kuhanan ng litrato, pindutin ang CHANGE PHOTO
14. Pindutin ang KUHANAN NG LITRATO para kuhanan ang inyong mukha
15. Ang litrato ay awtomatikong kukuhanan kapag ang inyong mukha ay nakaposisyon ng tama at naka-focus
16. Tiyakin na ang litrato ay malinaw, hindi putol at pindutin ang NEXT. Para muling kuhanan ng litrato, pindutin ang CHANGE PHOTO
17. Piliin ang inyong occupation at i-enter ang inyong telephone number. Pindutin ang NEXT. Kung kayo ay may promotion code, i-enter ito at pindutin ang NEXT
18. Mag-setup ng 4-digit PIN Number. Pindutin ang NEXT
IMPORTANT: TANDAAN ANG INYONG PIN
19. Tingnan muli ang impormasyon at lagyan ng check ang acknowledgement checkbox. Pindutin ang IPADALA ANG REGISTRATION
20. Nagawa na! Kayo ay makakatanggap ng mensahe sa inyong app kapag ang inyong account registration ay naaprubahan na (in approximately 1 to 3 business days)
MAHALAGANG PAALALA: Kung ang inyong account registration ay hindi pa naaprubahan sa loob ng ibinigay na timeframe, pindutin ang bell icon na nasa itaas, kanang bahagi ng app upang ma-check ang notifications at sundan lamang ang nakasaad na instructions.